Friday , November 15 2024
electricity meralco

Mataas na singil sa koryente banta sa ‘Bagong Pilipinas’

021224 Hataw Frontpage

BANTA sa economic goals na isinusulong ng inilunsad na “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos, Jr., ang mataas na singil sa koryente ng Meralco, itinuturing na pinakatamaas na presyo sa buong Asya.

Ito ang tahasang sinabi ni Rodolfo Javellana, Jr., Pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) kasunod ng panibagong anunsiyo ng Meralco na magdaragdag ng  P0.57 kada kilowatt hour (KWh) singil sa koryente.

Ayon kay Javellana, ang mataas na singil sa koryente ay nakaaapekto  sa 75 porsiyento ng ekonomiya mula sa mga lugar na pinagsisilbihan ng Meralco —-  pinakadahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan na maka-engganyo ng mga dayuhang mamumuhunan o kahit sa hanay ng mga lokal na mamamayan.

Inihayag ng Meralco, ang dagdag na P0.57/KWh singil ay upang matugunan ang P0.45/KWh na itinaas ng generation costs na nagsimula noong nakaraang buwan.

“The ‘Bagong Pilipinas initiatives will not be realized if electricity rates continue to be expensive and costly. The foreign investors we are trying to attract will not set up business here due to the prohibited electricity prices; those companies are owned by a few oligarchs,” ani Javellana.

Tiniyak ni Javellana na kakayanin nilang makahikayat ng mga maumuhunan lalo na’t maganda at maayos ang ating klima ngunit dapat wakasan ng Kongreso ang monopolyo sa koryente kasunod ang pagrebisa sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA of 2001) upang bumaba ang presyo ng singil sa koryente sa bansa.

Iginiit ni Javellana, ang EPIRA ang lahat ng ugat ng ‘kademonyohan’ sa sektor/industriya ng koryente na dapat mapansin ng mga mambabatas.

“If that is the law, then we should revise or modify, instead of them prioritizing amending the Constitution. We want the economy to improve, we want more ‘foreign direct investments’, then electricity must be made affordable so that there will be a lot of investments going in the country. The key here is the EPIRA (which must amended or revised),” dagdag ni Javellana.

Naniniwala si Javellana, ang makatarungang presyo sa singil ng koryente ang higit na magiging batayan upang madaling maka-engganyo ng mga namumuhunan.

Binigyang-diin ni Javellana, upang higit na marebisa ang EPIRA kinakailangang busisiing mabuti ang ginagawa ng power utilities at ang alegasyon ng monopolyo.

Magugunitang patuloy na nagsasagawa ng pagdinig ang Kamara ukol sa prangkisa ng Meralco matapos akusahan ni Laguna Rep. Dan Hernandez  ng pag-abuso, na agad nitong pinabulaanan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …