Monday , December 23 2024
Law court case dismissed

Sa People’s Initiative para sa Chacha ECONOMIC PROVISION WALANG SAYSAY HANGGAT MAY KORUPSIYON

BUO ang paniniwala ni Senador Sonny Angara na kahit anong gawing amyenda sa ating konstitusyon partikular na sa economic provision ay walang magiging saysay kung patuloy pa din ang korupsyon sa ating bansa.

 

Ayon kay Angara hindi ang economic provision ang nagpapa-isip sa mga namumuhunan kundi ang korupsyon.

 

Inihalimbawa ni Angara na ang isnag negosyante ay umatras sa dami niyang binayaran kumpara sa ibang bansa na kung saan mayroon lamang ceiling o hanggangan.

 

Tinukoy ni Angara sa sistema ng ibang bansa ay isa lamang ang kakausapin ngunit sa atin maraming level.

 

Bukod pa dito sinabi ni Angara na ang pagpapatupad ng paniningil ng bagong buwis para sa mga namumuhunan ay maaring kinusidera na paraan ng korupsyon.

 

Dahil dito iginiit ni Angara mahalagang malinis ng ating pamahalaan ang ating burukrasya upang higit na maenganyo ang mga mamumuhunan.

 

Samantala hindi naman tiyak ni Angara na kung magagawang matapos na talakayin ng senado sa Marso maging hanggang sa Oktubre ang RBH 6.

 

Inamin ni Angara na hindi madali ang pagtalakay dito lalo’t kailangang ipatawag ang lahat ng stakeholders na mayroong kinalamaan sa naturang pag-amyenda ng konstitusyon.

 

Bukod hindi din hawak ni Angara ang kaisipan ng mga kapwa niya senador ukol sa kanilang opinyon sa naturang usapin.

 

Nanawagan din si Angara ng ceasefire sa mababang kapulungan ng kongreso na mabuting magtrabaho na lamang sila at itigil na ang anumang palitan ng mga salita.

 

Iginiit ni Angara na ginagawa ng senado ang kanilang tungkulin at marapat lamang ding gawain ng mababang kapulungan ang kanilang tungkulin.

 

Naguguluhan tuloy si Angara sa mga kongresista kung ano ba talaga ang kanilang papel sa umano’y People’s Iniatitive dahil sa tila pag-ako dito na sila ang nasa likod nito batay sa kanilang pahayag.

 

Naniniwala naman si Angara na mahalaga ang papel na diretsa at lantarang salitang bibitawan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ukol sa usapin ng PI.   (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …