HALOS lumalabas na nabu-bully na ng mga kongresista ang mga senador sa kanilang pahayag ukol sa usapin ng People’s Initiative (PI).
Ito ay matapos magbanta at magpahayag ang ilang mga kongresista sa mga senador ukol sa PI.
Dahil dito sinabi ini Senador Sonny Angara na ayaw na niya o nilang patulan ang mga kongresista sa kanilang nagiging pahayag.
Iginiit ini Angara na mas maganda pang gawin na lamang ng mga senador ang kanilang tungkulin at bayaan na lamang na magsalita ng magsalita ang mga kongresista.
Bukod dito binalikan din ni Angara ang ilang pahayag ng mga kongresista na mas maiging pag-aralan ng mga ito ang kanilang mga pahayag na tila taliwas sa kanilang pagtanggi na hindi sila ang nasa likod ng PI.
Ipinunto ni Angara na noong hindi sila nagsasagawa ng imbestigasyon o pagdinig sa RHB 6 ay puro batikos ang inaani nila ngayong kumukilos sila ay batikos din ang kanilang inaani.
Kaugnay nito sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero na mas maigi pang aminin na lamang ng mga kongresista na sila ang nasa likod ng PI at hindi kung anu-anong paghamon at pagbabanta ang ginagawa sa mga senador.
“Why don’t they come out in the open, be accountable and admit to the public that they are truly the ones behind this pekeng People’s Initiative instead of doing a striptease?” ani Escudero.
Iginiit ini Escudero na sa tamang panahon ay malalaman at malalaman ng mga kongresista ang mga pananaw ng mga senador ukol sa isyu ng Charter Change lalo na’t sinisimulan na itong talakayin sa senado. (NIÑO ACLAN)