Saturday , November 16 2024
Tiaong, Quezon

Perjury isinampa vs Tiaong ex-mayor

KASONG paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code (RPC) na perjury o pagsisinungaling ang inihain laban sa dating alkalde ng Tiaong, Quezon na si Ramon Preza  sa  Lucena City Regional Trial Court Branch 53, base sa ipinalabas na resolusyon ng Lucena City Prosecutor’s Office noong 11 Enero 2024.

Ang kaso ay nag-ugat sa pinaniniwalaang pagsisinungaling ni Preza nang akusahan niya ng kasong pandaraya at panloloko ang negosyanteng si Frankie Ong sa halagang halos aabot sa P50 milyon.

Pero lumalabas sa imbestigasyon na ang nasabing halaga ay personal na pagkakautang ni Ong sa kanya batay sa counter-affidavit na isinumite ni Preza   sa Makati Prosecutors’ Office.

Pansamantalang nakalalaya si Preza  matapos maglagak nang  P25,000 piyansa matapos ipalabas ang warrant of arrest  ng korte noong 19 Enero 2024.

Sakaling mapatunayang nagkasala si Preza sa kasong perjury,  pagkakakulong na hindi bababa sa anim na taon at isang araw hanggang 10 taon at multang hindi lalampas sa P1 milyon na kanyang kakaharapin.

Matatandaan, kamakailan ay gumulong ang kasong katiwalian na isinampa laban kay Preza sa Office of the Ombudsman,  dahil sa umano’y paggamit ng kanyang impluwensiya at kapangyarihan noong alkalde pa, pabor sa ilang negosyo niya. (NA)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …