Friday , November 15 2024
martin romualdez

Pasimuno ng PI inginuso si Romualdez

HINDI itinanggi ng mga nagpasimuno at nangunguna sa pagsusulong ng people’s initiative ang pakikipagpulong at tulong ni House Speaker Martin Romualdez.

Nangyari ito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, ukol sa mga kontrobersiya na bumabalot sa pangangalap ng mga pirma ukol sa people’s initiative.

Sa mga testimonya nina Alfredo Garbin ,Jr., ang convenor ng People’s Initiative, at Noel Oñate, ang national convenor ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA), lumabas ang naging bahagi ni Romualdez at iba pang mambabatas ng Kamara.

Una nang itinanggi ni Romualdez gayundin ng ibang kongresista na may kinalaman sila sa nabunyag na mga kontrobersiya ukol sa pangangalap ng mga pirma.

Inamin ni Oñate na lumapit sila kay Romualdez para humingi ng suporta at nagbigay sa pamamagitan ng pagtulong ng mga miyembro ng Kamara sa pangangalap ng mga pirma.

Nabunyag na sa pangangalap ng mga pirma ay may mga pangako ng ayuda, bayad at iba pang uri ng sinasabing panunuhol.

Inusisa ni Sen. Francis Escudero si Garbin, na dating kinatawan ng Ako Bicol Party-list. sa pagsusulong ng people’s initiative kasama si Rep. Rizaldy Co, ang kasalukuyang namumuno sa House Committee on Appropiations at kilalang kaalyado ni Romualdez

Sa pagdinig ay inilabas din ni Sen. Marcos ang larawan na kuha gamit ang cellphone ni Oñate, kasama niya si Romualdez at Co.

Ayon kay Oñate ang larawan ay kuha sa pakikipagpulong nila kay Romualdez sa townhouse nito sa Forbes Park, Makati City.

Hinanap ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Oñate ang resibo ng kanilang mga ginastos sa pagsusulong ng PI kasama ang TV ad na may titulong “EDSA-puwera” na nagtutulak ng pag-amyenda sa 1987 Constitution na nagkakahalaga ng P55 milyon.

Ayon kay Oñate malaking bahagi ng ginastos ay nagmula sa kanyang bulsa ngunit pinagdudahan ang kabiguan niya na patunayan ito dahil sa kawalan ng mga dokumento, kabilang na mga resibo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …