RATED R
ni Rommel Gonzales
TAMA ang hula namin na si Miguel Tanfelix ang bagong runner para sa Season 2 ng Running Man Philippines.
Nasa South Korea na si Miguel kasama ang original runners na sina Angel Guardian, Buboy Villar, Glaiza De Castro, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Mikael Daez.
Ipinalabas ang VTR ni Miguel sa Fast talk With Boy Abunda na inihayag ni Miguel na, “Overwhelmed ako dahil unang-una, ang saya ninyo kasama.
“Very thankful ako sa ‘Running Man’ dahil pinayagan nila akong ma-experience ito.”
At tulad na rin ng alam natin, dahil ongoing pa ang taping ng Black Rider ni Ruru Madrid ay hindi siya makakasali bilang regular runner tulad ng nakaraang season 1.
Pero good news sa mga tagahanga ni Ruru dahil magkakaroon siya ng special role o participation sa Season 2 ng reality-game show ng GMA at iyon ang dapat nating abangan.