NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na hindi maaring tawagin pang Peoples Initiative kundi Pera initiative na ito ay dahil kapalit ng paglagda ng taong bayan ay may kapalit na halaga.
Ayon kay Gatchalian batay sa impormasyong kanyang nakalap sa bawat pirma ng isang tao ay mayroong kapalit na isang daan o dalawang daang piso.
Kung kaya’t maituturing na hindi na talaga ito ang malayang kaisipan at desisyun ng taong bayan ukol sa pagbabago ng Konstitusyon o Saligang Batas.
Binigyang-linaw ni Gatchalian na kung kaya’t hindi suportado ng senado ang naturang panukala na paraan ng pagbabago ng konstitusyon ay dahil na din tinanggalan ng kapangyarihan ang senado na kung saan aniya ay nawawalan ng check and balance.
Aminado si Gatchalian na kung igigiit ang naturang panaukala ay tiyak na magkakaroon ng political crisis.
At sa sandaling mangyari ito ay tinukoy ini Gatchalian na maapektuhan ang trabaho ng kongreso na magpasa ng mga panukalang batas lalo na ang mga priority measures.
Bukod dito maging ang pagtalakay sa national budget para sa taong 2025 ay maaapektuhan din dahil sa hiwalay na opinyon ng liderato ng senado at mababang kapulungan ng kongreso.
Kung kaya’t naniniwala si Gatchalian na mahalaga ang magiging boses at papel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para mapagkaisa ang dalawang kapulungan ng kongreso ang matuldukan na ang usapin ukol sa pagbabago ng konstitusyon.
Inamin din ni Gatchalian na kasalukuyan na ding pinag-aaralan ng senado ang lahat ng posibleng hakbangin upang mapigilan at matutulan ang isinusulong na PI.
Suportado din ni Gatchalian ang anumang imbestigasyong gagawin ng senado lalo na ini Senadora Imee Marcos ukol sa PI.
Binigyang-diiin ini Gatchalian na aalamin niya sa grupong PIRMA kung sino ang nasa likod nila o nagpopondo sa kanila sa pagsusulong ng PI gayong isa naman silang Non-Government Organization (NGO). (NIÑO ACLAN)