TRILLANES a great destabilizer.
Ito ang tahasang akusasyon ni Senador Ronlad “Bato” dela Rosa laban kay dating Senador Antonio Trillanes.
Ang reaksyong ito ini dela Rosa ay matapos manindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kamakalawa na hindi niya kinikilala ang sinumang kinatawan ng Internasional Criminal Court (ICC) na magsasagawa ng imbestigasyon sa bansa ukol sa mga naganap na Extra Judicial Killing (EJK) sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dela Rosa ang pahayag ni Trillanes na nasa bansa na ang mga kinatawan ng ICC at ito ay may basbas ng pamahalaan ay isang malinaw na kasinungalingan.
Isa lang ani ni dela Rosa ang katotohanan at ito ay naisin ini Trillanes na sirain ang relasyon ng mga Marcos at Duterte.
Dahil dito umaasa din si dela Rosa na matitigil na ang mga maritess o mga tsismoso at tsismosa ng bayan dahil sa naging pahayag ng Pangulo.
Hindi din naitago ni dela Rosa na tanungin si Trillanes kung siya ba ay mayroong appointment bilang spokeperson ng ICC.
Saludo at nagpapasalamat naman si dela Rosa sa naging paninindigan ni Pangulong Marcos ukol sa naturang isyu. (NIÑO ACLAN)