Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim

Xian may parinig sa GMA: makapagdirehe ng serye

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY panawagan si Xian Lim sa mga boss ng GMA Network.

Matagal na kasi niyang pangarap na makapagdirehe ng isang teleserye, kaya sa paglipat ni Xian Lim sa GMA, matapos magsunod-sunod ang mga proyekto niya bilang artista, nais naman niya sana na mabigyan ng chance ng Kapuso Network na maging direktor ng isang serye.

Sana po, nananawagan po ako sa mga boss,” ang tumatawang pakli ni Xian nang makausap namin kamakailan.

Bilang artista, paglipat ni Xian sa GMA ay binigyan agad siya ng project, ang Love. Die. Repeat. pero naudlot iyon dahil nabuntis si Jennylyn Mercado na leading lady ng serye.

Pero binigyan agad si Xian ng kapalit na show, ang False Positive at pagkatapos ay sinundan iyon ng Hearts On Ice.

And after three years, ngayong Enero ay umere na ang Love. Die. Repeat. na sina Xian at Jennylyn pa rin ang mga bida.

Lahad ni Xian, “And hopefully po, sana, sana more projects pa po in terms of being behind the camera, as a director.

“Aside from acting, masayang -masaya po ako behind the camera. Alam ‘yan ni direk Jerry, palagi akong nagtatanong sa kanya, ‘Direk, ang saya naman diyan behind the camera, ano na nangyayari riyan?’”

Si Jerry Lopez Sineneng (at si Irene Villamor) ang direktor ng kanilang serye ni Jen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …