Saturday , November 16 2024
EDSA-pwera

EDSA-Pwera ad hindi saklaw ng MTRCB

BILANG tugon sa panawagan ni Atty. Harry Roque na imbestigahan ng MTRCB ang pag-ere ng TV komersiyal na EDSA-Pwera, nilinaw ng Board na wala itong awtoridad na suriin at eksaminin ang mga commercial at advertisement, maliban sa mga itinuturing na Publicity Materials/Promotional Material sa ilalim ng Presidential Decree (P.D) No. 1986 at ng Implementing Rules and Regulations nito.

Ayon sa P.D No. 1986, tinutukoy ang “Publicity materials” bilang “anumang materyal na ginagamit para magkaroon ng interes sa publiko sa isang motion picture o television program tulad ng television commercials, movie, at television trailers, print advertisements, still photos, photo frames, leaflets, posters at billboards, at iba pang kaugnay na midya.”

Dahil ang nasabing materyal ay hindi itinuturing na Publicity material ng anumang Motion picture o TV program, hindi ito saklaw ng MTRCB. Sa halip, kinikilala ng Board ang awtoridad ng Ad Standards Council ng Pilipinas (ASC) bilang self-regulatory body na responsable sa pagsusuri ng advertising at brand communication materials sa lahat ng midya upang mapanatili ang interes ng mga mamimili at tiyakin ang tapat, makatarungan, at responsableng advertising.

About hataw tabloid

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …