Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Xian Lim  Love Die Repeat

Jen ratsada na sa trabaho

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SA pagpasok ng 2024 ay balik trabaho si Jennylyn Mercado matapos ang matagal din niyang pamamahinga na nataon din ang panahon ng pandemic at biglang pagdadalangtao niya. Siya sana ang unang katambal ni Xian Lim sa unang proyekto sa Kapuso. Dahil dito ay nabigyan siya ng GMA ng iba’t ibang project na pawang magaganda rin naman.

Sa pagbabalik ni Jennylyn ay natuloy din ang tambalan nila ni Xian sa upcoming teleserye na Love, Die Repeat na magsisimula nang umere sa Lunes, January 15. Kaya excited noong first taping day si Xian with Jen since first time niya mami-meet ang Kapuso star. Dati raw ay nakikita lang niya si Jen sa mga notebook ng mga estudyante noong hindi pa siya artista. Uso kasi noong araw ang mga litrato ng mga artista sa mga notebook na tinatangkilik ng fans. Ngayon nga naman ay hindi niya sukat akalain na makakatambal niya ang aktres.

Bukod kina Jen at Xian ay kasama rin sa cast sina Shyr Valdez, Malou de Guzman, Ina Feleo, Mike Tan, Valencia Montenegro, Valerie Concepcion, Mike Tan at marami pang iba. Dahil matagal din namahinga si  Jen ay sabik na aabangan ng mga loyal fan niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …