Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baby Go BG Productions

Produksiyon ni Baby Go muling bibigyang-sigla ang movie industry ngayong 2024

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BAGO magsara ang 2023 ay isang bonggang pre-New Year party ang inihandog ni Baby Go sa kanyang mga kaibigan sa business sector at entertainment media. 

Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita ni Madam Baby, hindi lang sa pagkain kundi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press.

Pero ang mas lalong ikinatuwa ng lahat ay ang pahayag ni Madam Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions Inc. Last time ay nakagawa ang produksiyon ng 17 pelikula na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa atin kundi sa iba’t ibang bansa.

May mga naka-line-up na kaming projects. Nakapag-meeting na rin kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year,” saad pa ni Madam Baby.

Ibinalita rin ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang One Dinner A Week na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

Muli ring bubuksan ni Madam Baby ang kanyang BG Showbiz Plus magazine. “Naniniwala pa rin ako na may market pa sa print,” aniya.

Present sa party ang mga kaibigan ni Madam Baby na sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representative ng Masagana Partylistt, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista.

Of course, in full support din ang mga anak, manugang, at apo ni Madam Baby. Naghandog din ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer ng gabing ‘yon na si Atty. Topacio.

Talagang super enjoy ang lahat that night dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Madam Baby sa dalawang industriyang kanyang ginagalawan.

This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable,” sabi pa ni Madam Baby.

Kahit na matagumpay na sa kanyang mga negosyo si Madam Baby, malalim ang pagmamahal niya sa showbiz industry. Kaya naman tunay na inspirasyon si Madam Baby sa kanyang larangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …