COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAGING matagumpay ang 2023 Metro Manila Film Festival. Muling naramdaman ang mga netizen na uhaw o sabik sa mga pelikulang Pinoy nitong Christmas holidays.
First week na ng Enero 2024 ay pila pa rin ang mga sinehan, kaya may mga espekulasyon na baka magkaroon daw ng extension itong MMFF. Masuwerte ang mga naging kalahok sa dami ng moviegoers na tumangkilik sa mga pelikulang pinalabas.
Masuwerte rin ang GMA Pictures na matagal na nanahimik sa paggawa ng pelikula although lately ay may collaboration sila sa ibang film companies dahil may mga contract artist silang kalahok sa mga project na iyon.
Maganda ang itinakbo ng pelikula nilang Firefly sa takilya, na bago pa man mag-start ang December 25, 2023 MMFF ay magagandang review ang naririnig namin.
Kaya naman hindi na nagulat ang iba nang manalo itong Best Picture sa MMFF Awards.
Dahil dito ay dinumog ang Firefly at nadagdagan ang mga sinehan na pinalalabasan nito. Kaya saludo kami kay Zig Dulay, ang director nito na naging director din ng Maria Clara at Ibarra ng GMA 7.