RATED R
ni Rommel Gonzales
TULOY sa pagbibigay ng mga kakaiba at makabuluhang programa ang GMA Afternoon Prime ngayong 2024.
Ipalalabas ang kauna-unahang adaptation ng isang KDrama sa afternoon slot, ang Shining Inheritance. Pagbibidahan ito nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, at seasoned actress Ms. Coney Reyes.
Makikilala naman si Kapuso Little Princess Jo Berry bilang si Lilet Matias: Attorney-at-Law. Marami ring bagong kuwento na aantig sa bawat pamilya gaya ng Mommy Dearest, A Mother’s Tale, at A Family Like Us.
Unique ang istorya pero very relatable naman para sa mga nangangarap ang upcoming series na Forever Young at For the Love of Kobe.
Magsisimula naman sa January 8 ang Makiling nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.