COOL JOE!
ni Joe Barrameda
IBINAHAGI ni Michelle Dee ang naging karanasan niya sa El Salvador noong dumalo siya sa Miss Univese competition bilang kinatawan ng Pilipinas.
Sa mga kaganapan doon ay maraming umasa na siya ang mag-uuwi ng korona na mismong ilan sa hurado ay inakalang siya ang magwawagi. Nakita ni Michelle ang buong suporta ng mga Filipino sa kanya at maski noong umuwi siya ay binigyan siya ng heroes welcome.
Marami siyang naging kaibigan doon at never nag-comment si Michelle ng negative comments sa mga nakasalamuha niya lalo na ang may hawak ng Miss Universe franchise.
Naging kaibigan nga niya ang Miss Thailand at may gagawin silang collaboration. Kaya naka-schedule siyang pumunta sa Bangkok.
Mapapanood natin si Michelle sa Black Rider na ang close friend niyang si Ruru Madrid ang bida. Mayroon din siyang upcoming teleserye sa GMA.