Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Faith Da Silva Kelvin Miranda Angel Guardian

Mga bagong Sang’gre kinasasabikan

RATED R
ni Rommel Gonzales

PASABOG ang pasilip ng GMA sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Sa inilabas nitong teaser kamakailan, makikita ang powerful moves at enchanting looks ng bagong henerasyon ng mga Sang’gre na sina Bianca Umali bilang Terra, Faith Da Silva bilang Flamarra, Kelvin Miranda bilang Adamus, at Angel Guardian bilang Deia.

Mapapanood din sa naturang video ang bonggang visual effects ng serye, pero patikim pa lang iyon.

Kasunod nito, marami nang na-excite sa pagbabalik ng Encantadia. Komento ng ilang netizens sa GMA Network Facebook page, “The fans are winning with the new faces, the visual effects, the music, and the element-bending in this teaser! Can’t wait to see this drama once again! Goosebumps talaga.”

Abangan sina Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa; Flamarra, anak ni Sang’gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy; Adamus, anak ni Alena at ang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang’gre; at Deia, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …