Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Sanya Lopez David Licauco Alden Richards

Bigating cast magsasama-sama sa pinakamalaking historical action-drama 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGSASAMA-SAMA ang apat na ipinagmamalaking bituin ng GMA Network sa biggest historical action-drama ng 2024, ang Pulang Araw.

Pagbibidahan ito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, First Lady of Primetime Sanya Lopez, Pambansang Ginoo David Licauco, at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa story conference kahapon, ipinakilala na ang kanilang mga karakter. Gaganap si Barbie bilang Adelina habang bibigyang-buhay naman ni Sanya ang half-sister nitong si Teresita. Pareho silang bodabil stars kaya naman sasabak din sina Barbie at Sanya sa tap dancing at singing lessons.

Samantala, gagampanan ni David ang role ng isang Japanese soldier na si Hiroshi at bilang paghahanda ay mag-aaral ang aktor ng Nihongo. Makikilala naman si Alden bilang Eduardo, ang half-brother ni Adelina na may dugong Amerikano.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Epy Quizon, Angelu De Leon, Rochelle Pangilinan, at Aidan Veneracion. Base sa panulat ni Suzette Doctolero at idinirehe ni Dominic Zapata, iikot ang kuwento sa mga kaganapan sa bansa noong panahon ng World War 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …