Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Hidalgo Azi Acosta Robb Guinto

Jeffrey nagpaka-daring sa Sugar Baby; Azi mapusok, mapang-akit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI nang nagawang pelikula si Jeffrey Hidalgo sa Vivamax pero ang Sugar Baby na mapapanood na sa November 24 kasama sina Azi Acosta at Robb Guinto ang itinuturing niyang pinaka-daring.

Bukod sa pagiging aktor, direktor din ni Jeffrey ng ilang sexy at erotic film sa Vivamax.  At inamin naman ng singer/aktor na itong Sugar Baby ang pinakagrabe sa mga ginawa niya. 

Aniya may mga maiinit silang lovescene ni Robb bilang gumaganap siya bilang si Mr. Santos, sugar daddy ni Robb.

Sabi pa ni Jeffrey ito ang pinaka-bold sa mga nagawa niyang pelikula. 

“I’ve done love scenes before in ‘Beautiful Life’ and ‘Sabel’, but I was only shirtless, nothing as daring as this kasi, here, naka-plaster lang ako,” ani Jeffrey.

 Idinagdag pa ng aktor/singer na bagamat napaka-daring ng role niya, tinanggap niya ang pelikula dahil nagandahan siya sa script. Gusto rin niyang makaganap ng iba’t ibang karakter.

“I read the script and I liked it, and I also like my role. After playing a drug lord in ‘Ssshhh’ for Direk Roman Perez Jr, I really want to do more character roles and this one is quite challenging.”

Gusto rin ni Jeffrey na maka-experience na maidirehe ng batang direktor tulad ni Christian Paolo Lat.

Samantala, si Azi si Sugar Baby, ang inang mapusok, mapang-akit, at papasok sa delikadong mundo na makapagbibigay sa kanya ng komportableng buhay na matagal niyang inaasam. 

Orihinal na pelikula ito ni direk Christian, isang rising direktor na nakilala sa kanyang mga independent films na Birds, Ginhawa, at ang short film na Be Your Kind na nanalo ng gold award sa Pinnacle Film Awards.

Kasama rin sa Sugar Baby sina Mon Mendoza, Josef Elizalde, at Zsara Tiblani. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …