Sunday , May 11 2025

2 patay, 35,000 inilikas, 11 bayan sinalanta
N. SAMAR LUMUBOG SA BAHA
Shearline sinisi ng Pagasa

112223 Hataw Frontpage

HATAW News Team

DALAWA katao ang iniulat na namatay sa pagguhong naganap sa Bgy. Ynaguingayan, Pambujan, Northern Samar kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan resulta ng shearline, sa 11 bayan ng lalawigan kahapon ng umaga.

         Batay sa social media page ng Northern Samar News & Information, ang isang biktima, kinilala sa tawag na ‘Mana Clara’ habang ang batang biktima ay hindi kilala. Nanatili ang mga labi ng dalawang biktima sa barangay hall hanggang kahapon dahil imposible pa itong ibiyahe.

         Tinatayang mahigit sa 35,000 katao ang inilikas at inihaon para dalhin sa mas ligtas na lugar sa gitna ng mabilis na paglawak ng baha sa mga lalawigan ng Northern at Eastern Samar nitong Martes, 21 Nobyembre 2023. 

Northern Samar flood
Photo: MAKIKITA ang babae at lalaking residente at ang kanilang kapitbahay sa Barangay Ipil-Ipil, Catarman, Northern Samar, na sinisikap magpalutang-lutang sa pagitan ng mga kawad ng koryente at kumampay-kampay sa gitna ng malakas na agos ng bahang umabot na sa bubong ng mga bahay, para humanap ng ligtas na lugar. Screenshot ito mula sa video ni Jerric Bantasan Villanueva na ipinaskil sa Northern Samar News and Information social media page.

         Kasunod nito, idineklara ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan ang suspensiyon ng klase sa buong lalawigan mula nitong Lunes, 20 Nobyembre  bilang pag-iingat at para tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante, mga guro, at mga kawani dahil sa masamang lagay ng panahon sa pagtatapos ng nagdaang linggo.

          Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang shear line sa Northern Samar ay nagbuhos katumbas ng halos isang buwang ulan sa loob ng isang araw.

         Kahapon, maraming kalsada ang hindi nadaraanan ng mga sasakyan kabilang ang Catarman-Laoang road; 

Pangpang-Palapag-Mapanas-Gamay-Lapinig-Arteche boundary road; at iba pang barangay roads sa Nipa, Maragano, at Cabatuan, sa bayan ng Palapag, sa lalawigan ng Northern Samar.

         Sa ulat ng Police Regional Office-Eastern Visayas, umabot sa 1,082 evacuation centers ang binuo para sa mga apektadong lugar, 54 dito ang okupado sa Northern Samar, at tatlo sa Eastern Samar.

         Ang kabuuang bilang ng mga pamilyang inilikas ay 6,038; 5,843 sa Northern Samar at 195 sa Eastern Samar. Kung susumahin ito ay binubuo ng 34,723 bakwit sa Northern Samar at 655 bakwit sa Eastern Samar, ulat ng police regional command nitong Martes.

         Sa kabila ng masamang kondisyon ng panahon dulot ng shearline, walang biyaheng panghimpapawid ang nakansela

         Gayonman, 26 lugar ang walang elektrisidad, kabilang ang 24 bayan ng Northern Samar, at dalawang munisipalidad sa Eastern Samar — ang Jipapad at Maslog.

         Nagpalarga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa rehiyon ng ayuda para sa mga apektadong lugar na umabot sa P3,445, 286.03 ang kabuuang halaga, para sa 4,785 family food packs na ipinamahagi nitong Martes.

Humiling ng family food packs ang mga bayan ng Arteche (1,187), Dolores (1,500), Jipapad (2, 715), Maslog (227), at Oras (3,000).

Sa Samar, humiling din ng ayuda ang mga bayan ng Gandara (2,000), Sta. Margarita (1,613), at San Jorge (2,193), at mga apektadong bayan sa rehiyon.

Ang family food pack ay naglalaman ng dalawang delatang sardinas, four cans of corned beef, four cans of tuna flakes, five sachets of instant coffee, five sachets of choco malt, at anim kilong bigas.

Lumahok na rin ang Tacloban-based humanitarian group Angels on Wheels, kasama ang ibang concerned citizens, sa paglulunsad ng relief efforts sa mga binahang lugar sa dalawang lalawigan.

Ayon kay Rev. Fr. Potenciano Dulay, mayroong 157 pamilya at 814 indibidwal ang nakasilong sa Catarman Cathedral at sa Annex building nito. Umaasa sila ng tulong mula sa pamahalaan at sa ilang kawanggawa para sa pangangailangan ng mga bakwit.

Nitong Lunes, 20 Nobyembre, bago ang walang tigil an pag-ulan, naramdaman ang magnitude 5.8 lindol sa ilang bahagi ng Samar — sa Eastern Samar, Eastern Samar, Biliran, Northern Samar, at Leyte dakong 12:59 pm.

         Ayon sa PAGASA, ang shear line ay ang pagsasalubong sa isang makipot na daanan ng malamig na hanging amihan at ng mainit na hangin mula sa Pacific Ocean na nagdudulot ng pagkulog, pagkidlat, at patuloy na pagbuhos ng  ulan.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …