Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Roderick Paulate

Roderick iginanti mga nasampal ni Maricel

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

PURO iyakan naman ang nangyari sa mediacon ng In His Mothers Eyes nang matanong ang cast from Maricel Soriano hanggang sa iba pa ang hindi nila malilimutan sa naging relasyon sa kanilang ina. 

Siyempre sina Maria at Roderick Paulate ay sumakabilang buhay na ang mga ina at alam naman nating lahat kung paano silang sobrang close sa ina nila. Parang mga ina nila ang sandalan nila noong nabubuhay pa ang mga ito. Maski ang direktor nila ay nag-share rin ng naging relasyon sa ina noong nabubuhay pa ito.

Ang team kasi ng In His Mothers Eyes ay tungkol sa anak na may autism. Lubos naman ang galak at pasasalamat ng producer na si Ms Flor Santos kina Maricel at Roderick na tinanggap ang project at perfect para sa anak na kasama sa pelikula na si LA Santos

I am sure nakatulong din si Tang Adriano na super close kay Maricel at malapit din kay Flor. 

Sa trailer pa lang nito ay napakaganda ng pagkakagawa with Maricel at Roderick. 

Maski si LA ang galing. Puring-puri nga siya ni Maricel huh. May eksena nga si LA na itinulak niya si Maricel at bumagsak ito sa lupa. Sa paghanga nga ni Maricel kay LA ay hindi niya dinamdam ang lakas ng pagkakatulak sa kanya. Maski ‘yung mga malalakas na sampal ni Roderick kay Maricel ay hindi sumama ang loob ni Maria. 

Biro nga ni Roderick naiganti na niya mga sinampal ni Maricel sa mga teleserye.

Kaya abangan ninyo ang In His Mother’s Eyes sa Nobyembre 29 sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …