Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Jillian Ward

Allen Dizon nilalait ng fans ni Jillian—malaki ngipin, sinungaling

RATED R
ni Rommel Gonzales

INAAWAY ng fans ni Jillian Ward si Allen Dizon.

Sa Abot Kamay Na Pangarap kasi ay salbahe si Dr. Carlos Benitez (Allen) kay Dra. Annalyn Santos (Jillian).

Okay naman kay Allen na ganoon ang karakter niya sa nabanggit na series ng GMA.

Noong una ayoko. Noong una, nagtatanong ako kay direk [LA Madridejos], sabi ko, ‘Direk, bakit parang nagiging bad boy si Carlos? Parang andami niyang red flag?’

“Sabi niya, ‘Wala eh, ito ‘yung pupuntahan ng role mo eh, kasi masyado kang mabait so, kailangang magkaroon ng kulay ‘yung role mo.’

“Sabi ko, ‘Okay, wala namang problema.’

“Ang inisip ko lang ‘yung fans. Kasi may mga sinasabi sa akin, mga nagagalit sa akin, siyempre dahil mahal nila si Annalyn, mahal nila si Lyneth, eh.”

Nanay ni Analyn si Lyneth na role naman ni Carmina Villarroel.

Dahil dito, nakararanas si Allen ng pamba-bash mula sa fans ni Jillian.

Maraming nagtsa-chat sa akin,” rebelasyon ni Allen. “Ang mga sinasabi parang, ‘Hoy sinungaling ka! Hindi mo naman inaamin na anak mo si Zoey! Tapos kung makapag-ano ka… plastik!’

Ganyan. ‘Malaki ngipin!’ ang tumatawang kuwento ni Allen sa mga panlalait sa kanya ng mga nagagalit kay Carlos.

Si Zoey ay si Sparkle actress Kazel Kinouchi na sa istorya ng Abot Kamay Na Pangarap ay tunay na anak ni Carlos kay Moira (Pinky Amador) at hindi ni RJ (Richard Yap).

Samantala, si Allen ang brand ambassador ng SMART Access Philippines na isang international consultancy na ahensiya na tumutulong sa mga nais mag-migrate at mag-aral sa Australia na halos sampung taon nang tumutulong sa pag-aayos ng lahat ng kakailanganin, maging ang visa, ng mga nagnanais mag-aral sa Australia.

May apat na branches ito worldwide— sa Australia, Nepal, Pakistan at dito sa Pilipinas.

Present sa contract signing ni Allen ang manager niyang si Dennis Evangelista, ang SMART Access owner/founder/director na sina Bibhusan Joshi at ang country manager na si Stephanie Lasig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …