Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricci suwerte kay Leren Mae

NATAWA na lang kami sa sinabi ni Konsehala Leren Mae Bautista.  Kasi hanggang sa basketball ay may nangangantiyaw pa rin sa boyfriend niya ngayong si Ricci Rivero dahil sa sinabi noon ng dati niyang girlfriend na si Andrea Brillantes na nakatambak daw ang damit na marumi sa condo ng basketball cager, na hindi man lang madala sa laundry.

Mas simple ang naging sagot ng beauty queen turned councillor. Hindi niya sinabing ipadadala niya sa laundry ang maruruming damit ni Ricci, ang sinabi niya ay siya na ang maglalaba ng mga iyon. Aba kung iisipin nga naman, si Leren iyong ideal woman, dahil siya mismo ang gagawa ng mga bagay-bagay na hindi na maasikaso ng kanyang boyfriend, samantalang si Andrea, ginawa pa iyong tsismis.

Eh kasi nga iyang si Leren, kahit na sabihin mong beauty queen at konsehal pa ng kanilang bayan, palibhasa ay laki sa probinsiya at alam ang kahalagahan ng gawaing bahay, bukod pa nga sa nasanay sa karaniwang tungkulin ng isang babae sa kanyang asawa, ganoon ang nasabi niya. Eh si Andrea naman hindi sanay sa ganoong pamumuhay. Palibhasa ay lumaking artista, sanay ng may alalay na nagsisilbi sa kanya.

Hindi mo talaga mapagagawa iyan ng gawaing bahay.

Kaya sabi nga, kung gusto mong lumigaya sa iyong buhay, magtungo ka sa probinsiya at doon hanapin ang iibigin mong tunay. Suwerte na rin si Ricci kay Leren Mae, dapat iyan ang babaeng seryosohin na niyang talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …