Sunday , December 22 2024
Ruru Madrid Black Rider

Ruru maraming realizations nang mawala ang mga taong nagtiwala sa kanya

ni ROMMEL GONZALES

MAS matured nang magsalita at sumagot sa mga katanungan ngayon si Ruru Madrid.

Lahad ni Ruru, “Noong ginagawa kasi namin ‘yung ‘Lolong’… actually before that, parang dumating sa point ng buhay ko na parang kinukuwestiyon ko na kung tama pa ba ‘yung ginagawa ko, kung eto ba talaga ‘yung para sa akin, itong trabaho na ‘to. 

“And then sakto na laging nade-delay ‘yung ‘Lolong,’ because nag-shoot kami nasa height ng pandemic, so inisip ko na baka hindi na mag-work.

But ang dami kong realizations dahil lang sa mga pagkakataon na ‘yun, it was my lowest point, ang daming nangyari sa buhay ko.”

Ayon pa kay Ruru, “‘Yung mga taong malapit sa akin, ‘yung ‘pag may problema ako sila ‘yung mahihingan ko ng tulong, nawala sila lahat.

“‘Yung mga taong alam kong naniniwala sa akin dati nawala na, ikinukompara ako sa iba, or parang dina-doubt na rin ako.

“Tapos sabi ko sa sarili ko na ngayon wala ng ibang taong naniniwala sa akin, kailangan kong maniwala sa sarili ko at doon mas tumibay din ‘yung faith ko kay God.

“And I also realized na bakit ko sasayangin ‘yung mga lahat ng panahon na pinaghirapan ko, ten years hinintay ko ‘tong pagkakataon, ‘tong ‘Lolong,’ bago ko makuha ‘yung time na ‘yun, so bakit ko isusuko?

 “So I gave everything in that project, sinabi ko sa lahat ng crew, sa lahat ng staff, sa lahat ng artista, na ‘pag hindi ‘to naging successful baka ito na ‘yung last ko.

“So after that, na naging successful siya, another realization na naman sa akin, na-realize ko na everything happens for a reason, may mga bagay na hindi natutuloy sa atin, ibig sabihin hindi iyon para sa atin, dahil mayroong nakalaan na mga bagay na para sa atin na higit pa riin sa hinihiling natin.

So I guess the maturity nanggaling doon sa resilience na mayroon ako, na kahit ano pang ibato sa aking pagsubok, anong problema, kahit umabot pa sa sumusuko na ako, hindi pa rin ako sumuko, at nagbubunga po lahat ‘yun ngayon.

“That’s why I’m very grateful na hindi ako nag-give up,” seryosong pahayag pa ni Ruru.

Gumaganap si Ruru bilang si Elias sa Black Rider ng GMA na napapanood 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream. 

Napapanood din ito sa GTV, 9:40 p.m.. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …