Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Samantha Lopez

Samantha humanga sa galing magdrama, umiyak  ni Jennylyn

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS mahinto ang taping nila noong September 2021 dahil nagdalang-tao si Jennylyn Mercado(kay Baby Dylan na anak nila ni Dennis Trillo) ay tuloy-tuloy na ang balik-taping ng Love. Die. Repeat na bagong drama series ng GMA na isa sa mga cast members ay si Samantha Lopez.

“Ako si Florence, mother ako ni Jennylyn Mercado,” pagpapakilala ni Samantha sa kanyang karakter.

Unang beses itong gaganap si Samantha bilang isang ina sa isang proyekto.

Na adult na ‘yung anak ko.”

Ano ang pakiramdam maging nanay ng isang Jennylyn Mercado sa isang TV project?

Ay, honored,” bulalas ni Samantha. “Napakabait na bata, one of my favorite actresses.

“Magaling, mabait, generous,” papuri pa ni Samantha kay Jennylyn.

At isa si Jennylyn sa mga reyna ng GMA at isa sa mga top actresses ng Pilipinas, banggit namin kay Samantha.

Hindi siya ganoon kapag kasama mo, hindi niya ipinararamdam na, ‘Ay sikat ako, big star ako!’

“Hindi. Napaka-down-to-earth.

“At saka mommy talaga ang tawag niya sa akin, kaya anak din talaga ang treatment ko sa kanya.

“And we share the same passion, nagpi-Pilates kami pareho,” nakangiting kuwento pa ni Samantha.

Maraming eksena na silang nakunan ni Jennylyn sa serye.

“Mahihirap! Drama-drama. Challenging, mahirap umiyak.”

Hangang-hanga si Samantha sa kahusayan ni Jennylyn bilang aktres.

“Dyusko siya, Dyusko isang ganoon lang umiiyak na! Galing!”

Biro tuloy ni Samantha, mas gusto talaga niyang kapag kontrabida siya dahil hindi siya kailangang umiyak sa maraming eksena.

Hindi siya kontrabida sa serye.

“Salbahe pero drama, may iyakan, asawa ko si Nonie Buencamino. Hello, ang galing din,” kuwento pa rin ni Samantha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …