Sunday , December 22 2024
Ruru Madrid Black Rider

Bagong serye ni Ruru iba-ibang artista  mapapanood gabi-gabi

TODO ang pag-alagwa ng career ni Ruru Madrid na matapos pagbidahan ang Lolong, sa maaksiyong serye naman ng GMA magpapakitang-gilas ang aktor, sa Black Rider.

Ano ang mga pagkakaiba ng dalawang programa?

“Siguro… malaki ‘yung difference ng ‘Lolong’ dito sa ‘Black Rider,’” umpisang pahayag ni Ruru.

“Kasi when we were shooting ‘Lolong’ naka-lock-in kami niyan eh, dahil iyon nga ‘yung height ng pandemic.

“So medyo… alam mo ‘yun, hindi kami nakakapag-explore ng mas malaki pa, hindi kami nakakapunta ng iba’t ibang lugar, at the same time ‘yung mga tao limited lang.”

Dagdag pa niya, “But this time sa ‘Black Rider’ gusto namin hangga’t kaya, iba-iba ‘yung mga makikita ninyo every night, iba-iba ‘yung mga artistang makikita n’yo every night. Talagang ibinuhos ng lahat, first ng [GMA] Public Affairs, para mapaganda po itong programa na ito.

“Hindi po talaga tinipid, talagang ginastusan alang-alang… para makapagbigay po tayo ng magandang programa sa ating manonood.

“At the same time, when it comes sa mga fight scene, sobrang laki rin ng difference dahil sa ‘Lolong’ most of the time ang gamit ko arnis and hand-to-hand combat.

“Pero rito… first, nagmo-motor ako, gusto rin nating i-promote ‘yung Filipino Martial Arts like Kali, Yaw-Yan, Arnis… so lahat po ‘yan ilalagay natin. So, mas skilled si Black Rider kaysa kay Lolong. Medyo mas mahirap ‘yung stunts na ginagawa, mas mahirap ‘yung mga fight scene.

“But of course napapadali ‘yun…shoutout to direk Erwin Tagle, dahil siya naman ‘yung nagte-train sa aming lahat para mapaganda po ‘yung bawat eksena,” ang nakangiting sinabi pa ni Ruru.

Ang world premiere ng Black Rider ay nitong Nobyembre 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV, 9:40 p.m.. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

Nasa Black Rider din sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili gayundin sina Gladys Reyes, Rio Locsin, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach, at  Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

Nasa cast din sina Jon Lucas, Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, Saviour Ramos, Empoy Marquez, Janus del Prado, at Rainier Castillo.

Magdadagdag kulay sa serye sina Jayson Gainza, Shanti Dope, Pipay, Ashley Rivera, Turing, Prince Clemente at Mariel Pamintuan at ang young love team na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …