Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Black Rider

Ruru pinagkatiwalaan ng GMA ng malaking proyekto 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NALOKA ako sa preskon ng upcoming action teleserye na Black Riders na magsisimulang umere sa November 6 sa GMA after 24 Oras. Masuwerte si Ruru Madrid siya ang pinagkatiwalaan ng GMA News at Public Affairs na maging lead actor ng nasabing teleserye. Siguro dahil naging successful ang Lolong, na isa ring action teleserye na pinagbidahan ni Ruru.

Nagulat ako noong preskon dahil napakaraming malalaking artista ang kasama sa teleserye na susuporta kay Ruru. Ilan sa kanila ay sina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Isko Moreno, Monsor del Rosario, Raymond Bagatsing, Roi Vinson at marami pang iba . 

Ewan ko kung paano sila nagte-taping. Tapos ang mga kasama pa sa teleserye sina Gladys Reyes, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili at may participation pa si Kylie Padilla. Nariyan pa sina Joem Bascon, Jon Lucas, Joaquin Manasala, Empoy, Jayson Gainza, Marco Masa, at Ashley Rivera.

Mukhang umaatikabong bakbakan ito. Matagal din pinaghandaan ni Ruru ito pero hindi ko sukat akalaing ganitong kalaki ito. Kaya malaking hamon ito kay Ruru. Pero malaki ang tiwa ko kay Ruru. Nasaksihan ko ito kung gaanong paghandaan ang isang project. Tutok at disiplinado ‘yan talaga. Kaya abangan ninyo ang pilot episode sa Nov 6 after 24 Oras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …