Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrina Halili Rider

Katrina nag-alangan sa pag-aaksiyon, nahirapan sa training

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAG-AALA Charlie’s Angels si Katrina Halili sa Black Rider.

Pero sa halip na crimefighter siya tulad ng papel nina Cameron Diaz, Lucy Liu, at Drew Barrymore sa sikat na Hollywood movies (dalawa ang Charlie’s Angels na pelikula na ipinalabas noon) isang napakaseksing skilled assassin ang papel ni Katrina sa upcoming Kapuso drama-action series na pagbibidahan ni Ruru Madrid.

Aminado si Katrina na nahirapan siya sa preparasyon sa kanyang papel, lalo pa nga at alam namin na nagkaroon siya ng minor accident sa motorsiklo.

Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga training, sa big bikes, mixed martial arts, kung ano-ano.

“Noong unang tinanggap ko po ito, wala akong idea na ganyan. Ang alam ko po, drug lord lang na mag-uutos-utos,” kuwento ni Katrina.

Kaya laking-gulat niya na andami palang ipagagawang stunts at action scenes sa kanya sa Black Rider.

Super shocked po ako na ang daming trainings po tapos ako po pala ‘yung gagawa ng action, akala ko taga-utos lang po,” ang natatawang pagbabahagi pa ng aktres.

Inamin ni Katrina na sa umpisa ay wala siyang bilib sa kanyang sarili na kaya niyang gawin ang mga stunt.

“Una, skeptic po ako sa sarili ko kasi nasanay na po ako sa hapon, mga Afternoon Prime series na nanay ako, iyak-iyak, pero noong ginagawa ko na po siya, nae-enjoy ko po siya. 

“Happy po ako, medyo lumiksi-liksi na nga po ang katawan ko.”

Napaka-slim ni Katrina ngayon, sa sobrang seksi niya ay hindi mo aakalain na may anak na siyang 11 years old ngayon, si Katie.

Siyempre kinondisyon ko ‘yung sarili ko na pumayat ako. 

“Noong nalaman ko na sexy assassin, na-stress na po ako lalo. Tapos kasama ko sina Ruru tapos Matteo, mas lalo po akong na-stress.

“Sobrang stressed po ako noong nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko,” pahayag pa ni Katrina.

Pero okay lang, sa stress na ‘yun, at least pumayat po ako, naging maliksi ulit po ang aking katawan. Ang laking tulong na ibinigay sa akin ang role na Romana para lumapit-lapit ulit ako sa timbang ko dati.”

Mapapanood na ang Black Rider simula Nobyembre 6 sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …