(Mula sa kaliwa): Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro IV, SM Prime Holdings, Inc. (SMPHI) Assistant Vice President Jessica Sy-Bell, Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Marilou Erni, United Nations (UN) Special Representative of the Secretary-General for Disaster Risk Reduction Mami Mizutori, SMPHI Chairman of the Executive Committee Hans Sy, UN Disaster Risk Reduction Regional Office for Asia and the Pacific Chief Marco Toscano-Rivalta, at Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection Fire Chief Superintendent Manuel Golino
Top Leaders Forum, tulay na nag-uugnay sa pribado at pampublikong sektor para sa disaster risk reduction
“Resilience is not just a word, it is a way of life. It is a commitment to ensure that we have the responsibilities to others and that no one is left behind,” ani ni Hans Sy, SM Prime Holdings, Inc. (SMPHI) Chairman of the Executive Committee at Chairperson ng ARISE Philippines at ng National Resilience Council (NRC),
Sa pagdiriwang ng International Day for Disaster Risk Reduction (DRR) noong Oktubre 13, 2023, binigyang-diin ni Sy ang sama-samang pagkilos ng mga pribado at pampublikong sektor sa ating bansa tungo sa pagkamit ng sustainability at resiliency sa 10th Top Leaders Forum na ginanap sa SMX Convention Center sa Maynila.
Ang tema ng nasabing pagtitipon ay ang “Transforming Victims to Victors: A Multi-Sectoral Approach to Inclusive Resilience” na nagbibigay-diin sa pagtutulungang pagsisikap para sa disaster resilience.
Mga isinulong na mga patakaran
Ginanap ang limang mga panel sessions, kung saan nagsama-sama ng mga eksperto upang talakayin ang mga mahahalaga at napapanahong mga paksa tulad ng Environmental, Social, at Governance; Food-Water-Energy Nexus at DRR; Micro, Small and Medium Enterprises Resilience Framework; Synergy for Inclusive Resilience; at Innovative Technologies and Resilience.
Mga isinulong na pagbabago tungo sa disaster risk reduction
Itinampok sa Marketplace ang mga solusyon sa DRR mula sa iba’t ibang sektor, tulad ng gobyerno, mga embahada, at mga lokal na tanggapan. Ipinakita ng bawat kalahok sa kanilang mga booth ang kanilang magkakaibang mga kagamitan at prinsipyo para sa DRR.
Ilang piling kalahok naman ang nag presenta sa Ignite Stage para makapagbahagi sila ng kanilang iba’t ibang inisiyatibong pang DRR na umikot sa limang tema: The Power of Resilience; Global Resilience Initiatives: Discussing Efforts and Strategies for Building Resilience on a Global Scale; Private Move, Private Action: Private Sector Initiatives to Resilience; Local Moves, Local Action: Local Government Units Resilience; at Resilience 301: National Government Action to Resilience.
Pagkilala sa katatagan ng mga kababaihan
Kinilala ng 2023 Women’s International Network (WIN) para sa DRR Leadership Awards ang mga natatanging mga kababaihan sa Asia-Pacific region para sa kanilang mga nagawa para sa DRR. Ang proyektong ito ay mahalagang bahagi sa mga programa ng WIN DRR, na sinusuportahan ng pamahalaan ng Australia.
Nahahati ito sa dalawang kategorya: ang prestihiyosong Excellence Award, mula sa SMPHI, at ang Rising Star Award. Ang WIN DRR Excellence Award ay may kalakip na USD 10,000 na pabuya para kilalanin ang isang bukod-tanging babae sa larangan ng DRR.
Ngayong taon, ginawad kay Shaila Shahid ng Bangladesh ang 2023 WIN DRR Excellence Award. Katangitangi ang naging mga epekto ng kanyang mga mahahalagang kontribusyon sa DRR sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.
Si Abia Akram mula sa Pakistan, isang dedikadong tagapagtaguyod para sa mga babaeng may kapansanan sa loob ng mahigit 25 taon, ay pinarangalan ng 2023 WIN DRR Rising Star Award.
Para malaman pa ang tungkol sa disaster risk reduction programs ng SM Supermalls, bisitahin ang www.smsupermalls.com at sundan ang @SMSupermalls sa social media.