Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AirAsia

Pagkakalugi ng AirAsia bumulusok sa P14-B

BUMULUSOK sa P14 bilyon ang pagkakalugi ng budget airline na AirAsia Philippines sa loob lamang ng dalawang taon, ayon sa isang ulat.

Sa artikulong inilabas ng Bilyonaryo.com (https://bit.ly/40dCYt2) noong 23 Oktubre 2023, sinabi nitong kinukuwestiyon ng auditing firm na Isla Lipana & Co. kung kaya ba talagang makaahon ng airline, pag-aari ng negosyanteng Malaysian na si Tony Fernandes, sa nasabing pagkakalugi.

Sa kanilang pinakahuling annual report, nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Isla Lipana sa napakalaking pagkalugi ng AirAsia, na umabot sa P7.9 bilyon noong 2022 at P6.4 bilyon noong 2021. Ang mga nasabing pagkalugi ay nagresulta sa kakulangan sa kapital ng kompanya na umabot sa tumataginting na P39.9 bilyon, o 60 beses na mas mababa sa orihinal nitong kapital.

Bukod sa napakalaking pagkalugi, ang AirAsia ay may hindi rin nakapagbabayad ng mga utang sa mga creditor at aircraft lessor.

Noong 2022, ang AirAsia ay nalubog sa mga hindi pa nababayarang dues at demandable payments na nagkakahalaga ng P11 bilyon, kasama ang isa pang P24 bilyon na dapat bayaran sa loob ng isang taon.

Kapansin-pansin din ang hirap ng AirAsia na bayaran ang mga obligasyon nito na inutang pa noong wala pang pandemic at hindi pa naapektohan nang malala ang aviation industry.

Noong 2018, nabigo ang kompanya  na matugunan ang mga financial commitment nito sa P1.78 bilyon utang mula sa BDO Unibank.

Nagawa ng airline na ipagpaliban ang mga pagbabayad sa BDO at muling ayusin ang mga lease contract nito sa mga aircraft supplier, ngunit ang pinakahuling estimate ng Isla Lipana ay nagbabala ng isang “material uncertainty” para sa kakayahan ng AirAsia na lagpasan ito.

Ang nasabing audit ay naglantad din ng ilang nakababahalang financial indicator para sa AirAsia. Ayon dito, ang cash reserves ng kompanya ay bumaba na sa nakababahalang halaga na P84 milyon.

Dagdag pa rito, ang mga hindi nabayarang refund sa mga consumer ay umakyat sa P774 milyon, at ang mga payable sa mga supplier ay tumaas ng 18 porsiyento at umabot sa P16.9 bilyon.

Ang parent company ng AirAsia na Capital A ay gumawa naman ng isang detalyadong plano upang iahon ang budget carrier sa pagkakalubog nito sa problemang pinansiyal, ayon sa isang liham na isinumite sa auditing firm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …