Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Encantadia Sanggre

Bianca mainit na tinanggap bilang isa sa mga bagong Sang’gre

RATED R
ni Rommel Gonzales

AVISALA Eshma, mga Kapuso. Usap-usapan sa social media ang big reveal ng isa sa mga bagong Sang’gre na si Kapuso Prime Gem Bianca Umali. 

Inanunsiyo noong October 23 sa 24 Oras ang bigating project ni Bianca na gaganap bilang Terra, ang anak ni Sang’gre Danaya. Sa isang exclusive interview ni Nelson Canlas, ibinahagi ng aktres ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa GMA at kanyang mga tagasuporta.

Ayon kay Bianca, “Paulit-ulit kong sinasabi na I’m very thankful, of course, to my supporters. Hindi ko hiniling pero ito, ipinagkaloob sa akin. That’s why I’m very, very thankful. Thankful to my Network kasi sa tiwala. I assure na they will not be disappointed. I will not fail anyone.”

Kasunod ng official announcement, nag-trend sa X (dating Twitter) si Bianca pati ang topic na “Encantadia” at #Sanggre.

Say ng ilang netizens, “I can’t think of any other actress perfect for the role, but Bianca Umali alone. Sayong sayo talaga ‘yan! Isa si Bianca Umali sa mga artista ng GMA na talagang pang-fantaserye! Can’t wait na makilala ang iba pang cast! Excited to watch this Encantadia Chronicles. Thanks, GMA Network, Ms. Suzette Doctolero, and Direk Mark!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …