Friday , November 15 2024
Jeanly Lin

Jeanly Lin umaani ng suporta para sa SK Chair sa Nova

UMAANI ng ibayong suporta sa hanay ng mga kabataang botante ang kandidatura ng isang dalagitang philanthropist na siyang tumatakbo sa posisyon na Sangguniang Kabataan chairperson sa Barangay San Bartolome, Novaliches sa Quezon City.

Lumitaw sa isang non-commissioned survey na isinagawa ng Eidiya Research Group, nakuha ni Jeanly Lin ang pinakamataas na awareness rating na 89% mula sa mga batang respondent na may edad 15 hanggang 30 anyos sa Barangay San Bartolome.

Ang mahigpit nitong katunggali na si Judielyn Francisco ay pumapangalawa na may 75% awareness rating.

Sa kategorya ng preference rating (napupusuan), nanguna pa rin si Jeanly Lin na nagkamit ng 50% sa random survey na nilahukan ng 500 kabataang botante. Sa nasabing bilang, 54% ang nagmula sa hanay ng mga kapwa niya babae.

Nasungkit din ni  Lin ang kategoryang “most preferred SK Chairperson” sa lahat ng socio-economic class sa naturang barangay na may 50% preference rating.

Sa pagpili ng kursunadang mailuklok bilang SK chairman, inilahad ng mga respondents ang dahilan sa pagpili nila kay Lin. 

Anila, “sanay makisalamuha si Lin sa komunidad at mainam ang mga programa kaya gusto namin si Lin ang mamuno sa hanay ng mga kabataan.”

Kilala si Lin sa  mga kawanggawa, sa pagbibigay ng scholarship at regular feeding program na pinasimulan niya sapul nang kasagsagan ng pandemya hanggang naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng mga panuntunan alinsunod sa Omnibus Election Code.

Mayorya na lumahok sa survey ay naglahad na edukasyon ang pangunahing pangangailangan ng mga kabataan sa Barangay San Bartolome upang maibsan ang tambay o palaboy na mga bata.

Ang hiling nila sa mananalong mga opisyal ng SK ay tugunan ang programang balik-eskwela para sa mga kabataan, lalo ang napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan na dinaranas ng kanilang pamilya.

Bukod sa edukasyon, naitala rin ang pangangailangan ng sports program para sa mga kabataan ng Barangay San Bartolome upang maging mekanismo sa iwas droga

Bago pa man sumabak sa politika  si Jeanly, mahigit isang taon siyang naging bahagi ng isang private foundation na nagkakaloob ng scholarship program sa mga kabataan sa kanilang pamayanan.

About hataw tabloid

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …