Friday , November 15 2024
deped Digital education online learning

Independent body para sa education assessment mungkahi ni Gatchalian

BALAK ni Senador Win Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng isang independent body, o hiwalay na ahensiya na magsasagawa ng assessment sa performance ng mga mag-aaral.

“Kung iisipin natin, ang Department of Education (DepEd) ang bumubuo at nagpapatupad ng curriculum, ito rin ang nagsasagawa ng assessment, sumusuri sa datos, at batay sa mga nagiging resulta ng pag-aaral, mismong DepEd din ang nagwawasto sa sarili nito.

Pero bakit kailangang iwasto ng DepEd ang sarili kung siya naman ang gumagawa at nagpapatupad ng curriculum? Kaya marapat lamang na magkaroon ng isang independent body na magsasagawa ng assessment, susuri ng mga resulta, at magbibigay ng mga rekomendasyon sa DepEd upang magkaroon tayo ng konsepto ng check and balance,” ani Gatchalian.

Ibinigay na halimbawa ng senador ang National Assessment Program-Literacy and Numeracy (NAPLAN) ng Australia na sumusukat at sumusuri sa literacy at numeracy ng mga batang Australians. Ang NAPLAN ay itinatag ng Australian Curriculum, Assessment and Reporting Authority, isang hiwalay na tanggapan para sa pagbuo ng national curriculum, national assessment program, at national data collection and reporting program.

Sa Finland naman, isinasagawa ng Finnish Education Evaluation Centre (FINEEC) ang mga evaluation mula early childhood education hanggang sa kolehiyo. Isang malayang ahensiya ang FINEEC na ginagabayan ng national education evaluation plan ng Finland.

Paliwanag ni Gatchalian, 1991 pa lang noong magbigay ang unang Congressional Commission on Education (EDCOM I) ng rekomendasyong lumikha ng isang malayang national testing and evaluation agency na bubuo, magsasagawa, at magsusuri ng mga national achievement tests.

Inirekomenda rin ng EDCOM I noon na magsagawa at sumuri rin ang ahensiya ng iba pang mga test o pagsasanay sa kakayahan, talino, personalidad, equivalency, at mga pambansang scholarships, ngunit hindi naisakatuparan ang pagbuo ng nasabing ahensiya.

Ayon sa Chairperson ng Senate Committee on Basic Education, walang organisado at sentralisadong data bank sa kabila ng pagsasagawa ng maraming mga test tulad ng Early Language, Literacy and Numeracy Assessment (ELLNA), National Achievement Test (NAT), Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA), Philippine Informal Reading Inventory (PHIL-IRI), at iba pa.

Dagdag ng senador, ngayon ay walang regular at sistematikong pagsusuri ng assessment data upang magabayan ang mga kasalukuyang polisiya sa edukasyon. Hindi rin ibinabahagi sa publiko ang mga assessment dataset para sa pagsusuri, bagay na nagdudulot ng kawalan ng malinaw at napapanahong feedback mechanism sa datos ng assessment ng mga mag-aaral, mga guro, mga eksperto, mga policy makers, at iba pang mga katuwang sa edukasyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …