Sunday , December 22 2024

Early voting sa seniors, PWDs ipasa na — Lapid

HABANG nalalapit ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 30 Oktubre,  muling binuhay ni Sen. Manuel Lito Lapid ang panukalang magbibigay ng karapatan sa maagang pagboto sa lahat ng kalipikadong senior citizens (SCs) at persons with disabilities (PWDs) sa local and national elections.

Sa paghahain ng Senate Bill No. (SBN) 2361, sinabi ni Lapid na dapat bigyan ng pagkakataon ang nasabing sectors na bomoto sa loob ng pitong araw sa accessible establishments na tutukuyin ng Commission on Elections (Comelec), bago ang nakatakdang lokal at pambansang halalan.

“Eleksiyon na naman po sa Oktubre 30. Ako po ang nahihirapan na makita ang ating mga lolo at lola, kasama na ang mga may kapansanan, na nakikipaggitgitan sa pilahan upang magamit lamang ang kanyang karapatang bomoto,” sabi ni Lapid.

Base sa 2021 data ng Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 2,754,813 kababaihan at 3,635,271 kalalakihan, may edad 65 pataas sa buong bansa.

“Hindi dapat ma-disenfranchise o hindi makaboto ang nasa milyon-milyon nating senior citizens at PWDs sa mga susunod na eleksiyon. Umaasa ako na maipapasa ang panukalang ito bago pa sumapit ang 2025 elections,” dagdag ng Senador.

Binigyang-diin ni Lapid, ang karapatang bomoto ng ating mga kababayan ay pundasyon ng ating demokratikong lipunan.

“Sa Filipinas, senior citizens at PWDs ay malaking bahagi ng ating populasyon na nararapat talagang mabigyan ng espesyal na pagtingin o atensiyon sa pamamagitan ng garantiyang sila ay makaboto,” pahayag ni Lapid.

Tinukoy ng Senador na may limitasyong pisikal at medikal ang mga senior citizen at PWDs na nahihirapan silang makaboto dahil kasabay nila ang lahat ng mga botante sa panahon ng eleksiyon sa kani-kanilang presinto.

“Sa pamamagitan ng hiwalay na araw bago ang aktwal na botohan, mabibigyan natin sila ng sapat na pagkalinga at panahon para makaboto. Maiiwasan din ang mahabang pila, siksikan at init sa presinto na delikado sa ating mga lolo, lola at PWDs,” paliwanag ng 68 anyos Senador.

Naunang nagsumite ng kahalintulad na panukalang batas si Senadora Cynthia Villar. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …