Friday , May 16 2025
SMFI Feat San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility

San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility pangalawang tahanan ng mga health heroes

SMFI 1 San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility
INIEKSAMIN ni Dr. Alfredo P. Manugas VI, San Fernando, Cebu Municipal Health Officer and Health Department Head, ang isang batang pasyente sa lobby ng bagong anyong Primary Health Facility.

MAHAHALAGANG haligi ng bawat komunidad ang iba’t ibang pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan upang tiyakin na ang mga mamamayan ay maginhawang natatamo ang karapat-dapat na atensiyon at pag-aalagang medikal.   

Batid ito ni Dr. Alfredo P. Manugas VI, isang Municipal Health Officer at Health Department Head. Sa kanyang pagseserbisyo sa San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility (SFCPHF) sa loob ng halos 15 taon, lubusan niyang natutuhan at siya’y tumutok sa kahalagahan ng modernisasyon ng mga pasilidad upang magbigay ng mas mabuting serbisyo sa kanyang mga pasyente at ligtas na lugar para sa mga kapwa manggagawang pangkalusugan.

SMFI 2 San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility
MASIGLANG naglilingkod ang mga manggagawang pangkalusugan sa kanilang mga pasyente sa komportable at bagong health center.

“Malapit sa puso ko ang pasilidad na ito. Kung ikokonsidera ang haba ng panahon na inilagi ko rito, maituturing ko na itong pangalawang tahanan,” aniya.

               Ayon kay Dr. Manugas, ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng SM Foundation, ng lokal na pamahalaan ng San Fernando, Cebu, at ng kanilang mayor, Mytha Ann Canoy, ay dumating sa mas magandang panahon  lalo’t ang buong daigdig ay dumadanas ng pandemya.

               Naglilingkod ang pasilidad sa 70,000 Cebuano mula sa 21 iba’t ibang barangay, at nagkakaloob ng malawak na serbisyong medikal — mula sa women’s and children’s health, birthing services and nutrition services, general medical consultation, family planning services — hanggang sa community-based rehabilitation, communicable disease programs, laboratory services, at marami pang iba.

SMFI 3 San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility
INIAABOT ni San Fernando, Cebu Mayor Mytha Ann Canoy sa isang batang pasyente ang isang laruan mula sa mobile play cabinet na ipinagkaloob ng SM Foundation.

#CollabForSocialGood

Sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng SM group, lokal na pamahalaan ng San Fernando, si Dr. Manugas at ang mga kapwa manggagawang pangkalusugan ay nakapagkakaloob ng pangangalagang medikal gamit ang mga modernong pasilidad  na kailangan ngayong 21st century.

               “Ginawang bagong anyo ng SM Foundation ang aming pasilidad. Naging “ergonomically designed” ang aming healthcare facility. Tiniyak nilang may maayos kaming bentilasyon at makapagkakaloob ng ginhawa sa mga service users at service providers. Sa loob ng aking 15 taong paseserbisyo, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng major refurbishment ang aming Health Facility,” ayon kay Dr. Manugas.

SMFI 4 San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility
MAKIKITA ang mga health workers na nagkakaloob ng pangangalagang medikal sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at sa iba pang miyembro ng komunidad sa San Fernando, Cebu.

               Bukod sa pagkakaloob ng malinis at ligtas na kapaligiran, tiniyak ng social good arm ng SM Group na ang pasilidad ay magiging responsive sa mga babae, bata, at sa mga nakatatanda. Isang halimbawa rito ang pagkakaroon ng mga palikuran at rampang PWD-friendly, ganoon din para sa mga senior citizens, buntis, at mga indibidwal na may espesyal na pangangailangan. Tuwing medical check-ups, maging ang mga ina ay kalulugdan ang pagpapasuso sa kanilang sanggol dahil mayroong lugar para rito, habang ang kanilang mga anak ay makapaglalaro sa pamamagitan ng mobile play cabinet.

SMFI 5 San Fernando, Cebu Primary Healthcare Facility
MAGINHAWANG nagpapasuso ang isang ina sa kanyang sanggol sa isang pribado at ligtas na lugar sa loob ng pasilidad na isinailalim sa rehabilitasyon ng SM Foundation.

               Bilang pagpapahalaga sa kapaligiran, gumamit ng pinturang hindi lang nagkukulay at nagpapaalwan ng paligid kundi naglilinis din ng hangin; at LED-powered na mga ilaw at appliances sa buong pasilidad.

               Ang SFCPHF ay pangalawang SMFI Health and Wellness Center na mayroong pasilidad para sa pag-ani ng tubig mula sa ulan, at gumagamit ng recycled water para sa paglilinis at pangbuhos sa palikuran. Ang transpormasyon ng SFCPHF ay isang testamento kung paanong ang pagtutulungan para sa panlipunang kabutihan ay nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga healthcare facilities at sa mga komunidad na lubusang umaasa sa kanila. Ang bagong anyong pasilidad ay nagkakaloob hindi lamang ng malinis at ligtas na kapaligiran kundi nakapagtakda rin ng bagong pamantayan para sa kahusayan sa pangangalagang pangkalusugan sa rehiyon, na nagtitiyak ng isang mas maliwanag at mas malusog na kinabukasan para sa mga mamamayan ng San Fernando, Cebu.

About hataw tabloid

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …