INIANUNSIYO ng ilang lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagpapatupad ng virtual classes ngayong Lunes at Martes, 16-17 Oktubre, bunsod ng malawakang transport strike na lalahukan ng mga jeepney driver at operators.
Ayon sa grupong Manibela, itutuloy nila ang tigil-pasada upang kontrahin ang deadline sa mandatory jeepney franchise consolidation sa 31 Disyembre, na bahagi ng proyekto ng pamahalaan na modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Samantala, tiniyak ni Interior Secretary Benhur Abalos na hindi mapaparalisa ang transportasyon ng publiko dahil 95% ng transport group ay hindi lalahok sa kilos protresta.
Dahil dito, inianunsiyo ng mga LGU ng mga lungsod ng Maynila, Makati, Muntinlupa, Taguig, at Quezon na walang supsensiyon ng klase sa kabila ng kilos protesta.
Kabilang ang mga sumusunod na LGU at mga paaralan sa pansamantalang virtual classes habang ang ibang mga paaralan ay magpapatupad ng blended classes: Marikina City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Las Piñas City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Pasay City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Caloocan City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Parañaque City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Malabon City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools);
Habang sa labas ng Metro Manila ay Pampanga – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Angeles City – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); San Pedro City, Laguna – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Santa Rosa, Laguna – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Calamba, Laguna – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Cabuyao, Laguna – shift to online/modular mode (all levels, public and private schools); Biñan City, Laguna – all modes of classes suspended (all levels, public and private schools).
Samantala, inianunsiyo ng mga sumusunod na paaralan ang pag-iba ng shift ng kanilang mga klase:
De La Salle University Manila, University of Santo Tomas; Adamson University; University of the East (Manila and Caloocan); National University; UERM Memorial Medical Center; Manila Tytana Colleges,
Polytechnic University of the Philippines (All branches); San Beda University (Manila and Rizal)
Lyceum of the Philippines University; Our Lady of Fatima University (Pampanga and Laguna).
Nauna nang sinabi ng Manibela, inaasahang higit sa kalahatinng kabuuang bilang na 300,000 jeepney sa ilalim ng kanilang grupo ang inaasahang lalahok sa tigil-pasada ngunit ani Transportation (DOST) Secretary Jaime Bautista, naninwala siyang hindi maitipon ng grupo ang bilang na kanilang binanggit.
Anang Manibela, lalahok ang mga driver ng UV Express, taxi, at ride-hailing sa transport strike.