COOL JOE!
ni Joe Barrameda
SOBRA pala ang hirap at problemang naranasan ni Bea Alonzo habang nagsu-shoot ng 1521 movie sa Palawan. Hindi na raw sila kumibo at gumastos pa sa palpak na costume niya to the point na siya na mismo ang gumastos para ma-repair ‘yung palpak na susuotin niya.
Ang ikinasasama ng loob ng manager ni Bea ay siya pa ang sinisiraan at pinalalabas na mahirap katrabaho at very demanding.
Kaya sa galit nila ay hindi ito nag-promote ng movie although wala naman daw sa kontrata na magpo-promote siya.