Muling ipinamalas ng SM Prime Holdings Inc. ang pangako nitong isulong ang pandaigdigang at pambansang kultura ng disaster risk reduction sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang fire tanker sa Volunteer Fire Brigade of Pasay City noong Oktubre 6, 2023.
Pinangunahan ito ni SM Supermalls’ President Steven Tan, at kasama si Pasay City Mayor Emi Calixto–Rubiano, Bureau of Fire Protection-National Capital Region Regional Director Chief Superintendent Nahum Tarroza, at SM Supermalls’ Senior Assistant Vice President for Customer Relations Services Almus Alabe.
Sina Ben Chua Ching Jr., Pangulo ng Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc., at Dionisio See Siu Chun ang tumanggap ng nasabing fire tanker sa ngalan ng kanilang organisasyon.
Ang fire tanker ay may kakayahang mag-supply ng 5,000 na gallons ng tubig na katumbas ng limang (5) fire trucks na may 1,000 gallons na kapasidad ng tubig. Kaya umapula ng nasabing tanker ng apoy ng tuloy-tuloy sa tagal na 50 na minuto. Ang naturing tanker ay maaaring ding pagmulan ng supply ng tubig para sa iba pang mga truck ng bumbero habang nagaapiula ng sunog.
Isang Memorandum of Agreement din ang nilagdaan sa pagitan ng SM at ng Volunteer Fire Brigade of Pasay City.
Binigyan diin din ni Tan ang kahalagahan ng kanilang nasabing partnership, aniya, “Ang pakikipagtulungan sa Volunteer Fire Brigade of Pasay City Inc. ay isa sa mga paraan ng pagtulong natin sa ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagtulong sa mga organisasyong nag-aambag sa paglaganap ng kultura ng disaster risk reduction, kabilang ang mga tumutulong sa pag-iwas at pagsugpo sa sunog.”
Dumalo rin sa turnover ceremony si Pasay City Congressman Antonino Calixto.