Monday , December 23 2024

3 bagong digital show inilunsad ng ABS-CBN News

TATLONG bagong ABS-CBN News digital content ng mga balita, impormasyon, at entertainment ang inilunsad ng ABS-CBN News noong weekend sa hangaring palawakin pa ang pamamahayag.

Salit-salitan sina Ganiel Krishnan at MJ Felipe sa pag-host ng lingguhang recap ng pinakamalalaking kuwento sa showbiz at entertainment na ipinalabas sa TV Patrol. Ipalalabas sa ABS-CBN News Facebook page (facebook.com/abscbnnews) tuwing 4:00 p.m. ang episode, isang araw pagkatapos ng YouTube run nito.

Handog din ng news team ang Bistado M.O. (Modus Operandi) na muling bibisitahin ang mga kaso ng krimen at mga scam na sakop ng metro at justice reporters ng ABS-CBN na papayuhan din ang mga manonood kung paano maiiwasan na maging biktima.

Pangungunahan ito ng veteran police reporters na sina Zyann Ambrosio at Jeff Caparas simula 4:30 p.m. tuwing Sabado sa ABS-CBN News YouTube channel at Linggo sa ABS-CBN News Facebook page.

Ipalalabas din ang Patrol ng Pilipino: Playlist, sa pangunguna ng mga mamamahayag ng ABS-CBN, na magpapakita ng mini-newsmagazine ng mga vertical video na orihinal na inilabas ng Patrol ng Pilipino, ang mobile journalism initiative ng news organization.

Nagho-host ang bawat reporter ng isang compilation ng content ayon sa konsepto, mula sa on-the-spot na mga coverage at explainers, hanggang sa mga pagtatampok sa mga pagkain at pamumuhay. Kasama sa paghahayag nito sina Doris Bigornia, Michael Delizo, at Ganiel.

Ipalalabas ang Patrol ng Pilipino: Playlist tuwing Linggo, 11:00 a.m. sa Patrol ng Pilipino (facebook.com/patrolngpilipino) at ABS-CBN News Facebook pages. Mapapanood ito sa YouTube channel ng ABS-CBN News tuwing 6:00 p.m..

These digital offerings are in response to the public’s need for reliable and engaging stories and continue the Kapamilya news team’s mission of finding more ways to serve the Filipino wherever they may be,” sabi ni Francis Toral, head ng ABS-CBN News.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …