PINULONG ng Pasay City local government unit (LGU) ang Pasay City Nutrition Council (PCNC) para tugunan ang undernourishment sa lungsod na posibleng dala ng sumisirit na halaga ng pagpapanatili ng healthy nutrition sa bansa.
Si Mayor Imelda Calixto-Rubiano, LNAP nutrition council chairman, habang si Councilor Joey Calixto-Isidro ang vice chairman.
“A healthy community is a reflection of a healthy and sustainable nutritional framework that we are all proud to be maintaining,” sabi ni Pasay City Mayor Emi.
Sinabi ni Coun. Joey Isidro ang LNAP, inihanda ng local nutrition committee ay mahalagang bahagi ng local development plan at annual investment program ng LGU ng Pasay sa ilalim ng Pasay City Nutrition Resolution No. 2, Series of 2023 na mayroong three-year plan .
Binigyang diin ni Mayor Emi, kailangan nilang magtrabaho nang husto at sobra-sobra kung malalaman nilang may mga tao, lalo na mga bata ang hindi napagkakalooban ng sapat na pagkalinga at nutrisyon.
Target ni Mayor Emi sa taong 2025 ay maaasahan ng Pasayeños ang “substantial, sustainable nutrition sector,” sa ilalim ng kanyang makatotohanang pagnanais na maipagkaloob ang tapat at higit pa sa sapat na paglilingkod sa mahigit 450,000 mamamayan ng Pasay. (EJ DREW)