Monday , December 23 2024
Israel

Panggugulo ng Terrorist group kinondena
Seguridad ng OFWs sa Israel pinatitiyak ng senado

ni NIÑO ACLAN

KASUNOD ng pagkondena ng Senado sa mag terorista na nagresulta ng kaguluhan sa Israel ay pinatitiyak ng senado sa pamahalaan partikular na sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang seguridad ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senadora Grace Poe mayroon namang sapat na pondo na nakalaan ang pamahalaan para sa repatriation ng mga Pinoy sa sandaling ito ay kailangang isagawa lalo na sa mga Pinoy na nais nang umuwi at natatakot sanhi ng kaguluhan.

Naniniwala pa ang mga senador na mahalagang makapagdesisyun na ang pamahalaan hanggat maaga lalo na’t bukas pa ang mga boarders,

Umaasa naman ang senado na matatapos din ang kaguluhan at sa huli ay magkakaroon ng kaliwanagan sa bawat panig.

Ngunit sa ngayon ang paalala ng mga senador ay matiyak na mabigyang proteksyon at pangangalaga ang kapakanan ng mga Pinoy na naroroon lalo na ang mga mismong malapit sa kaguluhan.

Nanawagan na din ang senado sa DMW at DFA na gawin nito ang lahat ng kayang gawin upang matiyak na ligtas sa bawat mamamayang Filipino na nasa Israel.

Samantala pinaalalahanan naman ini Senador Raffy Tulfo ang mga Pinoy sa Israel na maging maingat at maging alerto at makinig sa mga ulat sa Israel. 

Sinabi ni Tulfo ns batay sa pag-uusap nila ini Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administratior Arnel Ignacio  ay mayroon ng binuong task force ang DMW, DFA at OWWA at ang OWWA upang malaman ang kundisyon at mamonitor ang ating mga kababayan.

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …