Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maxine Medina Timmy Llana

Maxine reynang-reyna sa kanyang church wedding

RATED R
ni Rommel Gonzales

MRS. LLANA na ang beauty queen-turned actress na si Maxine Medina.

Sa isang very intimate church wedding nitong October 3, 3:00 p.m., nagpalitan ng ‘I do’ sina Maxine at childhood friend na si Timmy Llana na isang diving instructor.

Bago naging artista, na napapanood ngayon sa Magandang Dilag ng GMA, ay umingay ang pangalan ni Maxine at tinutukan ng buong Pilipinas, lalo na ng mga mahihilig sa beauty pageant.

Si Maxine kasi ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe noong 2016 na tiyempong dito sa Pilipinas ginawa dahil sa nakaraang taon ay ang Pilipinas ang hinirang na Miss Universe 2015 sa makasaysayang panalo ni Pia Wurtzbach sa Las Vegas, Nevada sa Amerika bilang ikatlong Pinay na Miss Universe kasunod nina Gloria Diaz(1969) at Margie Moran (1973).

Makasaysayan ang panalo ni Pia dahil nagkamali ng announcement ang pageant host na si Steve Harvey. Sa na ang pambato ng Pilipinas ang tinawag na Miss Universe, si Ariadna Gutierrez ng Colombia ang sinabing pangalan ni Steve.

Pero hindi nagawa ni Maxine na makalikha ng back-to-back victory noong 2016, hanggang sa top six finalists (kasama ang France, Kenya, Colombia, Thailand, at Haiti) lang si Maxine at ang nagwaging Miss Universe 2016 ay si Iris Mittenaere ng France.

Pero ngayong 2023, reynang-reyna si Maxine sa piling ng kanyang mister.

Ang simbahan na pinagdausan ng kanilang kasal ay ang Immaculate Heart Of Mary Church Sa Daang Bakal Road Sa Antipolo at ang nag-officiate ng kanilang Catholic wedding ay si Rev. Fr. Aniceto Abiera.

Sa Kalinaw Private Resort sa Buliran Road sa Antipolo naman ginanap ang wedding reception.

Event stylist ng kasal si Tei Endencia (na may-ari ng AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place at siya ring stylist sa kasal nina Maxine at Timmy) at dalawa sa mga ninong ang manager/mentor ng beauty queen na si Jonas Gaffud (ng Empire.PH at Mercator Artist and Model Management) at si Ben Chan ng Bench.

Walang entourage ang kasalan dahil muling ikakasal sina Maxine at Timmy sa isang engrandeng beach wedding ceremony sa October 10 sa Club Paradise sa Palawan na si Tei rin ang event stylist. Sa araw na ito ay inaasahang napakaraming bisita ang dadalo.

Kaya sila ikinasal muna sa simbahan sa Antipolo ay nais ng ina ni Maxine na magkaroon muna sila ng church wedding bago ang kanilang Palawan beach wedding.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …