COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAKATUTUWANG pagmasdan ang nagsanib-puwersang sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, at Gela Ataydena namuhunan ng mga pelikula na binili nila noong dumalo sila sa Cannes Film Festival para mapanood ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas.
Isang pelikulang produkto ng Japan na hinangaan at pinalakpakan sa Cannes. Ang tinutukoy ko ay ang pelikulang Monster na pinagbibidahan ng dalawang batang magkaibigan na dumanas ng pambu-bully sa mga kaklase at habang pinapanood mo ay maaaliw ka sa naging relasyon ng dalawa. Hanggang sa huli ay may twist na ikaaaliw ng mga manonood. Dahil sa titulo ay iisipin mo na horror ang tema pero malayong-malayo.
Journey ng dalawang lalaking magkaibigan na nakaranas ng iba’t ibang pagyayari sa takbo ng buhay nila.
Malaking tulong ang collaboration nina LT, Ibyang, at Gela. Binubuhay nila ang awareness ng mga kababayan natin na magbalik sa panonood ng sine bilang isa sa libangan ng mga kabataan at mailayo sa mga paggamit ng droga na isa sa malaking problema sa Pilipinas.
Ang Monster ay mapapanood sa mga sinehan sa October 11.