Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Supershow Dawn Zulueta Lani Mercado Jackilou Blanco Mariz Ricketts Arlene Muhlach Pops Fernandez

Dawn, Lani, Pops at iba pang co-host sa GMA Supershow nag-reunion

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAG-REUNION ang mga datint host ng GMA Supershow na napapanood noon tuwing Linggo sa GMA na si Kuya Germs Moreno ang main host. 

Four years ago nang huling magkita-kita ang mga co-host ni Kuya Germs. Dapat pala ay noong birthday party ni Sen. Bong Revilla sila nagka-chikahan pero sa dami ng taong dumalo at napakaingay ay nag-decide si Dawn Zulueta na mag-organized at sa ibang venue.

Kaya noong Oct 1 ito naganap sa Manila Private House sa BGC at si Dawn ang nag-host na present din ang asawang si Sec Anton Lagdameo

Bukod kay Dawn, dumalo rin si Rachel Ann Wolf na nandito sa Pilipinas ngayon on vacation at naka-base sa New Jersey USA. Aksidenteng nagkita sila sa isang mall doon sa New Jersey ni Dawn nang ihatid ang anak sa New York para mag-aral sa Fordham University. Dumalo rin sina Cong Lani Mercado, Jackilou Blanco, Mariz Ricketts, Arlene Muhlach, at Pops Fernandez

Naroon din ang dating talent coordinator ng GMA Supershow na si Camelites Rigonan at John Night. Hindi naman nakadalo sina Sharon Cuneta, Jean Garcia, at Zsa Zsa Padilla na parehong out of town.

Napakasaya ng mga chikahan na ang mga maintenance ng bawat isa dahil may senior na sa grupo ang pinag-usapan. 

Nagpaplano ang grupo na magkita-kita uli ang lahat sa New York next year, in time sa wedding ng anak ni Rachel Ann. In constant communication naman ang grupo sa pamamagitan ng Viber. 

Ayon kina Carmelites at John Nite, ang saya saya ng grupo habang nagbabalik-tanaw sa mga nakaraan. Timing din naman at sa Oct. 4ang birthday ng namayapang Master Showman na si Kuya Germs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …