Friday , November 15 2024
4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga kalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.

               Umabot sa 220 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card.

“Solo parents face many challenges in raising their children on their own. We want to ensure that they will have a means to provide for their families especially during trying times,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.

               Nagsimula ang Saya All, Angat All Tulong Pinansiyal para sa solo parents bilang bahagi ng serye ng mga programa ng pamahalaang lungsod sa pandemic recovery.

               “We encourage Navoteño solo parents to register with our social welfare office to qualify for the program,” ani Tiangco.

Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.

               Habang nagsisilbing kinatawan ng lungsod sa 18th Congress, co-authored ni Tiangco ang House Bill 8097 na, kasama ang Senate Bill 1411, ay pinagsama-sama sa Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ang RA 11861 ay nagbigay ng karagdagang benepisyo sa solo parents, kabilang ang P1,000 monthly subsidy, 10% discount at VAT exemption, 7-day parental leave with pay, priority sa scholarship programs at grants, automatic PhilHealth coverage, at iba pa.

Sinabi ni Tiangco, tutustusan ng lungsod ang pagpapatupad ng nasabing batas sa susunod na taon sa pamamagitan ng Gender and Development Funds. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …