Monday , December 23 2024

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

100223 Hataw Frontpage

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng tone-toneladang tubo nang tumagilid ang isang 14-wheeler truck sa Sitio Cabcab, Brgy. Tabu, sa bayan ng Ilog, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 29 Setyembre.

Kinilala ni P/Maj. Joseph Partidas, hepe ng Ilog MPS, ang biktimang si Alma Claridad, 46 anyos, residente sa nabanggit na barangay.

Ayon kay Partidas, naglalakad ang biktima sa tabing kalsada nang sumabog ang kanang gulong ng truck, dahilan upang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver.

Tinangkang iwasan ni Claridad ang truck ngunit umandar ito patungo sa kanyang direksiyon saka tumagilid at nahulog kaya tumabon sa biktima ang mga kargang tubo.

Inabot ng isang oras ang mga rescuer upang maalis ang mga nakadagang tubo sa biktima.

Dinala si Claridad sa ospital kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

Nabatid na aabot sa 35 hanggang 40 toneladang tubo ang nakakarga sa truck nang mangyari ang insidente.

Dagdag ni Partidas, tumakas ang driver ng truck dahil sa takot ngunit nakipag-usap na umano ang pamilya ng biktima sa suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …