COOL JOE!
ni Joe Barrameda
ALL praises ang mga Pinoy na napapanood na Here Lies Love na isang Broadway musical na kasalukuyang palabas sa Broadway sa New York.
Magagandang comments ang naririnig namin na kasalukuyang si Vina Morales ay kasama sa cast. Kaya naka-base sa New York City ngayon si Vina.
Sa kuwento ng aktor na si Gary Berena ay teary eyed siya nang mapanood si Vina sa Broadway.
Aniya, “Nakaka-proud kasi being a Pinoy na makikita mong pinapalakpakan ng iba’t ibang lahi ang mga Pinoy na kasama sa cast ng ‘Here Lies Love’ na tungkol sa dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.”
Si Vina ay family friend ng mga Berena. Si Gary naman ay kasaluyang nasa New York na nagbabakasyon sa bahay ng kapatid na si Vavam na matagal nang naninirahan doon.