Saturday , November 16 2024

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa mga guro ng Department of Education (DepEd) ay nagbibigay-diin sa mga nakababahala na maling prayoridad ng gobyerno. Bagamat P11.6 bilyon ang inilaan sa performance-based bonuses, mistulang walang balak ang DepEd na solusyonan ang matinding pangangailangan sa learning recovery interventions.

Tama lang na ilutang ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ang pag-aalala nito sa kawalan ng mga programa at laang pondo sa panukalang 2024 national expenditure program kaugnay ng mga kinakailangang hakbangin sa nabalam na pagkatuto ng mga estudyante dahil sa pandemya. Ang malinaw na pambabalewalang ito ay naghahatid ng nakalulungkot na mensahe na hindi epektibong tinutugunan ng gobyerno ang importanteng usapin sa learning losses sa kabila ng nakababahalang reyalidad: dinaranas ng Filipinas ang isa sa pinakamataas na learning poverty rates sa rehiyon. Malina na indikasyon nito na siyam sa 10 bata ang hindi nakababasa at nakauunawa ng teksto sa edad na 10 anyos.

Bukod rito, naisantabi na rin ang pagkakaroon ng mahahalagang impraestruktura, tulad ng kabiguang makompleto ang karagdagang mga silid-aralan sa ilalim ng School Building program, na nagpapalala sa problema. Ang hindi sapat na pagtugon sa kakapusan ng 159,000 classrooms para sa magsisimulang school year ay labis na nakababahala, lalo na kung ikokompara ito sa nakaaalarmang pangangailangan sa 91,000 noong sinusundang taon.

         Sa harap ng mahahalagang isyung pang-edukasyong ito, importante para sa gobyerno, partikular sa DepEd, na pag-isipang mabuti ang mga prayoridad nito at tugunan ang krisis sa pagkatuto sa paraang agad-agad, gaya ng nararapat. Sa totoo lang, Vice President Sara Duterte, hindi dapat kasama rito ang mga bonus at isang buwang bayad na bakasyon para sa mga guro.

Banta sa kapayapaan

Sa bakbakan kamakailan sa Maguindanao del Sur sa pagitan ng teroristang grupo ng Dawlah Islamiya at ng Moro Islamic Liberation Front, napapagitna ang Muslim Mindanao sa kritikal na pagpupursige nito para mapanatili ang kapayapaan. Ang nasabing trahedya, na ikinasawi ng dalawang terorista, ay isang malinaw na paalala sa kawalang katatagan ng kapayapaan sa rehiyon.

Ang 45-minutong bakbakan sa Barangay Mother Tuayan, Datu Hoffer, ay hindi lamang pinagbuwisan ng buhay kundi nagpalikas din sa aabot sa 40 pamilyang Teduray, na ngayon ay labis na nangangailangan ng tulong habang muling alipin ng takot at pangamba. Mahalagang agaran silang saklolohan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno upang maabutan ng kinakailangang tulong ang mga lumikas na pamilya, na ilang taon nang nagtitiis sa mga labanan at kahirapan.

Seryoso tayong nananawagan sa lokal na puwersang militar at sa gobyernong Bangsamoro na gawin ang mga kinakailangang hakbangin upang mapigilan ang anumang panibagong pagsiklab ng karahasan. Kailangang manatiling alerto ang ating puwersang pangseguridad, sinisiguro ang kaligtasan ng lahat ng residente habang iniiwasan ang gantihan ng labanan. Kasabay nito, dapat apurahin ng gobyernong Bangsamoro ang paghahatid ng tulong sa mga apektado.

Binibigyang-diin ng insidenteng ito ang bigat ng responsibilidad na nakaatang na ngayon sa balikat ng gobyernong Bangsamoro upang mapatunayan nito ang epektibong pamamahala at pagpapatupad ng inclusive peace process efforts na seryosong reresolba sa pinag-uugatan ng suliranin, partikular sa mga komunidad ng indigenous peoples (IP).

Sama-sama nating protektahan ang mga pinaghirapang tagumpay sa ilang dekada nang mga inisyatibong pangkapayapaan, panindigan ang ating hindi nagmamaliw na pagsisikap para sa isang payapa at saganang Muslim Mindanao, at itakwil ang extremism.

                                  *              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …