Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng Puregold Channel, ang My Plantito, na makasama ang mga artista ng palabas–at ang mga lumikha nito–sa isang hapon ng saya, kilig, at malalaking sorpresa, sa Puregold QI Central.

Ginanap noong Setyembre 16, dumalo ang cast at crew ng My Plantito sa fan meet, kabilang ang kapana-panabik na tambalan ng mga bida ng serye, sina Kych Minemoto at Michael Ver, at ang iba pang mga kasamang artista na sina Ghaelo Salva, Devi Descartin, Elora Espano, at Derrick Lauchengco.

Masaya rin ang pagtanggap ng mga dumalo sa premyadong direktor na si Lemuel Lorca, producer na si Chris Cahilig, at kay Ivy Hayagan-Piedad, Puregold senior marketing manager. Nagsilbing host ng fan meet ang aktor at modelo na si VJ Mendoza.

Natuwa si Ms. Piedad sa dami ng taong dumalo sa fan meet. “Ang mga fan ng ‘My Plantito’–mula BL lovers, plantito at plantita, at iba pa–ay pumunta talaga para ipakita ang kanilang suporta sa serye. 

“Pinatutunayan lamang nito na nasa tamang daan ang Puregold pagdating sa retailtainment,” pagbabahagi niya. 

Magtiwala kayo sa amin na ipagpapatuloy naming kumonekta sa mga suki at tagasubaybay sa pamamagitan ng mga kuwentong aantig sa puso ng mga Dilipino.”

Ibinahagi rin ni Charming Charlie ng My Plantito na si Kych ang kanyang saya sa naging fan meet. “Damang-dama namin ang ligaya at energy ng mga fan na pumunta sa event. Hindi matatawaran ang nakita naming mga ngiti nila. Masaya ako na kasama ako sa ‘My Plantito,’ at kakaiba ang pakiramdam ng pagtanggap ng mga fan dito at sa ibang bansa.”

Sabik din ang misteryosong plantito na si Miko. “Parang mainit na yakap ang fan meet na ito mula sa aming mga tagapanood. Natutuwa kaming makita kung paano nila sinusubaybayan ang pinaghirapan namin, at kung paano sila nakare-relate sa kuwento. Itong suporta na ito ay nagtutulak sa amin at sa Puregold Channel na pagbutihin pa.”

Sa naganap na fan meet, dalawang suwerteng fan ang nagkaroon ng pagkakataon na iuwi ang lahat ng produktong kaya nilang makuha sa One-Minute Puregold Grocery Hakot.

Isa pang inabangan sa fan meet ang pagtatanghal nina Kych at Michael, na talaga namang binuhay ang mga karakter nina Charlie at Miko sa harap ng kanilang mga fan.

Isang kaabang-abang na serye, nakatanggap ng positibong feedback ang My Plantito mula sa mga tagapanood, at bawat episode ay nakakakuha ng higit-milyong view kahit isang linggo pa lamang na nai-post sa Tiktok. Nagustuhan ng mga fan ang magaang kuwento ng BL, at ang pagpapahalaga sa pamilya, pakikipagkaibigan, pagmamahal, at ligaya–mga bagay na importante sa mga Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …