COOL JOE!
ni Joe Barrameda
KINAGISNAN ko na yata ang Disteleria Limtuaco. Matagal nang kilala ang Maria Clara Sangre. Pero hindi sila tumitigil sa pagpapalaganap ng produktong ito.
Kauna-unahang pagkakataon na kinuha nila si Moira Dela Torre bilang unang endoser ng Maria Clara Sangre lalo na ngayon naglabas sila ng bagong Maria Clara Virgin na maaring makasama ng kahit sino dahil ito ay walang alcohol. Para lang punch drink sa mga party although wala nga itong alcohol. Ang maganda sa Maria Clara ay ginawan ito ng jingle na siya rin ang sumulat na naangkop sa mga kababaihan at maririnig natin ito sa iba’t ibang outlet gaya ng Spotify.
First time namin ma-meet si Moira at naaliw kami sa mga sagot niya sa mga kasamahan sa panulat na akala mo ay inaantok pero lubhang ganoon lang siya sumagot at kinaaliwan ng mga kasamahan sa panulat.
Maganda ang ginawa niyang kanta for Maria Clara Sangria at umiinom siya ng Maria Clara habang ginagawa niya ang kantang ito at kasama niya ang banda niya na matagal ng umaalalay sa kanya.