Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krissha Viaje Jerome Ponce

Krissha kampanteng matawag na sexy star

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ANG dating Girltrends member na si Krissha Viaje na lead actress sa Safe Skies, Archer opposite Jerome Ponce mula Viva One original series. Ito ay second installment after The Rain in Espana na Wattpad Original. 

Open si Krissha sa mga sexy role pero depende sa script although beforehand ay nagpahayag na siya sa Viva ng mga limitasyon niya. Nang mabasa niya ang libro ay nabighani siya at siniguro niyang hindi ang landian ang pag-iinteresan ng manonood sa kanila ni Jerome.  

Grabe ang emosyon na naramdaman niya noong binabasa niya ang libro. Kaya ‘yun ang wish niya na maipakita sa screen. 

Game naman siya sa mga love scene, basta safe at nasusunod ang restriction niya. Kaya sa The Rain in Espana pa lang ay pinag-uusapan na nila ng production ang restrictions niya.

Nabansagan pa si Krissha na may hubadera fashion, pero noong nag-Girltrends doon lang siya natuto mag-hubadera fashion. Kaya ok sa kanya na matawag na sexy star. Basta confident siya na mabansagang sexy star at kampante siya sa pagiging sexy.

Ang magkatambal na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na kasama sa with Bea Binene, Gab Lagman, at marami pang iba ay mapapanood din sa love story na idinirehe ni Chino Santos

Sa obserbasyon namin sa kilos nina Heaven at Marco, mukhang may relasyon na although hindi nila kinokompirma at basta nag-eenjoy lang sila sa isa’t isa.

Sa October natin mapapanood ito sa Viva One pero may sneak preview noong Sept. 6.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …